
Naging mapayapa sa pangkalahatan ang kaliwa’t kanang kilos-protesta ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend.
Ayon kay Philippine National Police Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, walang naitalang untoward incident ang Pambansang Pulisya sa mga ikinasang pro-Duterte rally sa buong bansa.
Matatandaang kahapon nagsagawa ng motorcade ang mga ito mula Quirino grandstand, Kamara, Welcome Rotanda at Mendiola.
Mayroon ding aktibidad ang mga pro-Duterte sa Mendiola at Liwasang Bonifacio kahapon.
Samantala, nagsagawa rin ng martsa sa Davao ang mga tagasuporta ng dating Pangulo kasabay ng Araw ng Davao.
Ang mga pagkilos ay bilang pagtutol ng mga tagasuporta ni Duterte sa ginawang pagpapaaresto rito ng International Criminal Court (ICC) dahil sa umano’y crimes against humanity.