Tiniyak ni Police Regional Office, Regional Director Police Brigadier General Lou F. Evangelista na mananatiling non-partisan kasunod ng pagpapatupad ng implementasyon ng suspension order ni Urdaneta City Mayor Julio Rammy Parayno III at Vice Mayor Jimmy Parayno.
Sa inilabas na pahayag ng PRO1, naging maayos at mapayapa ang pagpapatupad ng suspension order laban sa dalawa. Alinsunod umano ito sa kahilingan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na makapagbigay ng suporta ang pulisya upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lungsod.
Ayon Kay PBGEN Evangelista, pagpapakita ito ng sama-samang pagsisikap na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, hindi lamang sa Urdaneta City kundi sa buong Ilocos Region.
Binigyang diin nito na, Mananatili Silang non-partisan at ipapatupad ang mandato sa pagprotekta sa batas nang may disiplina, integridad, at propesyonalismo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨