Probinsya ng Nueva Vizcaya, Nakapagtala ng 19 na Death Toll ng Coronavirus Disease

332

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa labing siyam (19) na bilang ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19 sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, nakapagtala ng labing siyam na bilang ng pagkasawi sa COVID-19 ang Nueva Vizcaya simula nang kumalat ang virus sa Rehiyon dos.


Kaugnay nito, tanging mga bagong positibo at gumaling sa COVID-19 ang naitatala sa mga nakalipas na araw kung saan dalawa (2) lamang ang panibagong naiulat na positibo sa COVID-19 na mula sa bayan ng Bayombong at Solano.

Dalawa (2) rin ang naitalang bilang ng gumaling sa probinsya na mula naman sa bayan ng Bambang at Solano.

Mula sa 604 na kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, 18 na lamang ang active cases, 567 ang gumaling.

Facebook Comments