Probinsya ng Nueva Vizcaya, Walang Naitalang Bagong Kaso ng COVID-19

49

Cauayan City, Isabela- Nananatili sa labing apat (14) ang total active cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya dahil walang naitalang panibagong kaso sa nakalipas na araw.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, walang naiulat na new COVID-19 cases kundi mayroong dalawang (2) naitala na panibagong bilang ng gumaling sa virus.


Ang dalawang gumaling na idineklarang ‘fully recovered’ ay sina CV 2528, 54 taong gulang na lalaki mula Napo, Ambaguio at si CV2609, 70 taong gulang na lalaki na taga Busilac, Bayombong.

Umabot naman sa 582 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Lalawigan at dalawampu (20) ang naitalang namatay.

Sa kasalukuyan ay nasa 616 ang total cases ng positibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Facebook Comments