Problema sa kuryente, isinisi ni Senador Manny Pacquiao kay DOE Secretary Alfonso Cusi

24

Pabor si Senador Manny Pacquiao na masibak sa pwesto si Energy Secretary Alfonso Cusi sa harap ng ilang araw nang power interruptions sa Luzon.

Giit ni Pacquiao, limang taon na sa serbisyo si Cusi pero bigo pa rin siyang masolusyunan ang problema sa enerhiya sa bansa.


Aniya pa, mas maraming deserving na mamuno sa Department of Energy (DOE).

Kasabay nito, nilinaw ng senador na walang kinalaman dito ang personal na isyu sa pagitan nila ni Cusi.

Matatandaang nagpatawag kamakailan si Cusi ng national council meeting bilang vice chairman ng PDP-Laban, bagay na hindi dumaan sa presidente ng partido na si Pacquiao.

Facebook Comments