Problemang hatid ng BIFF tatapusin na ng AFP

Mas pinalakas pa ngayon ang operasyon ng Militar katuwang ang BIAF MILF kontra sa mga nagsanib pwersa na mga armado sa Datu Salibo Maguindanao.

Kahapon nagpakawala ng bomba mula sa air assets at mga kanyon ang military resulta sa pagkakasawi ng dalawang elemento at pagkakasugat ng dalawang iba pang myembro ni Kumander Bonggos ng BIFF sa Brgy. Dansuli ayon pa kay 6th ID CMO Chief Army Col. Gerry Besana.

Primary target sa operasyon alas kwatro kahapon sina Abu Torayfe at Kumander Bongos dagdag ng opisyal.


Agad namang inamin ni Abu Misry Mama , taga pagsalita ng Bonggos Faction ang kamatayan ng 2 nilang kasamahan at pagkakasugat ng 2 iba pa, kung kayat agad silang gumanti sa pamamagitan ng paghagis ng Granada sa Detachment sa Brgy Labu Labu Shariff Aguak kagabi.

Kaugnay nito mariing inihayag ng military na magpapatuloy ang gagawing mas pinatinding law enforcement operation kontra sa mga faction ng BIFF sa maguindanao itoy matapos ang matagumpay na operasyon ng mga ito sa Marawi City.

GOOGLE PIC

Facebook Comments