Kinumpirma ng Samahan ng Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA na walang nakikitang problema sa produksyon ng bangus sa kabila ng nararanasang mainit ng panahon sa bansa.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay SAMAPA Member Jordan Carpio, nananatiling normal ang harvest ngayon.
Bagamat hindi umano inaalis ang posibilidad lalo na sa mga susunod na araw na base sa pagtataya ng panahon, inaasahan na mas mainit pa ang nararanasan, ay posibleng maapektuhan ang produksyon ng bangus.
Sa ngayon, hinahanda nila ang mga bangus growers at operators pagdating sa pamamahala ng isda upang maiwasan ang pagkakatala ng pagkalugi na maaaring dahil sa nagpapatuloy na mainit na panahon.
Alinsunod dito ang pag-arangkada sa mga LGUs sa Pangasinan ng pagsasanay ukol sa Good Aquaculture Practices upang matulungan ang mga ito na maghanda sa iba’t-ibang mga salik na maaaring makaapekto sa suplay ng bangus.
Samantala, tutungo ngayong araw, March 15, 2025, ang SAMAPA sa bayan ng Lingayen upang isagawa ang naturang pagsasanay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨