Nakitaan ng pagbaba ang naging produksyon ng palay sa Pangasinan noong 2024 ayon sa Provincial Agriculture Office.
Base sa datos ng tanggapan, bahagyang bumaba sa 1,311,130.49 metric tons ng palay ang naitala noong 2024 kung ihahambing sa 1, 388,063.34 metric tons noong 2023.
Sa kabila nito, positibo ang tanggapan na tataas ito ngayong taon dahil nasa 56,838 ektarya na ang natatamnan ng palay mula sa kabuuang lupang taniman ng Pangasinan.
Tiniyak naman ng tanggapan na nananatiling sapat ang suplay ng palay sa Pangasinan matapos makapagtala ng 195.30 percent na sufficiency rate nito noong 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments