PROFILING PARA SA MGA MAGIGING BENEPISYARYO NG NAKATAKDANG SLAUGHTERHOUSE SUBPROJECT SA BATAC, ILOCOS NORTE, ISINAGAWA

Isinagawa ang profiling para sa mga magiging benepisyaryo ng nakatakdang slaughterhouse subproject sa Batac, Ilocos Norte sa pangunguna ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) Regional Project Coordination Office – Ilocos (RPCO1), kasama ang Project Support Office (PSO).

Apat na araw isinagawa ang naturang profiling kung saan sumailalim ang ilan sa inaasahang benepisyaryo tulad ng mga hog raisers, meat vendors at processors.

Maingat na ebalwasyon ang isinagawa sa mga ito upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng livestock farming sa naturang lokalidad at maging proseso ng pag-aangkat ng karne mula sa farm hanggang sa pamilihan.

Makatutulong rin umano ito upang malaman ang mga target na interbensyon at investment sa livestock. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments