Isinagawa sa iba’t ibang paaralan sa Dagupan City ang mga lecture tungkol sa tamang paggalang at pagprotekta sa sarili sa ilalim ng programang Oplan B.I.D.A. o Batang Iwas sa Dahas at Abuso.
Layunin ng programa na turuan ang mga mag-aaral kung paano makaiwas sa anumang uri ng pang-aabuso at mapangalagaan ang kanilang kaligtasan.
Kabilang sa mga binisita ng aktibidad ang Bliss Elementary School at Leon Francisco Maramba Elementary School.
Kaagapay ang iba’t-ibang ahensya sa lungsod, aarangkada pa sa ibang paaralan ang programa upang mas maraming mag-aaral ang maturuan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









