PROGRAMANG PALLGU NG NFA, SUPORTADO NG TANGGAPAN NG DISTRICT IV SA PANGASINAN

Suportado sa lalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Congressman De Venecia ang programa ng National Food Authority Eastern Pangasinan lalong lalo na ang kanilang Palay Marketing Assistance for Legislators and Local Government Units (PALLGU).
Ang PALLGU ay isa lamang sa kanilang programa kung saan, bibili ang NFA ng palay stocks na mula sa mga magsasaka sa ilalim ng regular na procurement program ng NFA.
Nakapanayam ng kongresista ang National Food Authority Eastern Pangasinan Acting Branch Manager at Operations Head ukol sa mga pangunahing serbisyo ng kanilang ahensya at kung sa paanong paraan makatutulong ang tanggapan nito.

Layunin nitong bigyang-daan ang mga magsasaka ng palay na mapakinabangan ang kanilang kita at kasabay nito ay tinutulungan ang mga LGUs sa pagkuha ng kanilang mga pangangailangan sa palay para sa kanilang mga nasasakupan.
Kabilang naman sa prayoridad ang kapakanan at benepisyo para sa mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan, katuwang ang ahensya ng NFA sa pamamagitan ng kanilang mga programa. |ifmnews
Facebook Comments