PROGRAMANG SHIELD, BINUO BILANG TUGON SA PAGPUKSA NG CHILD LABOR SA MANAOAG

Bumuo ng isang Strategic Helpdesks for Information, Education, Livelihood, and Other Development Interventions o SHIELD program ang lokal na pamahalaan ng Manaoag bilang nakikitang tugon sa pagpuksa ng child labor.

Dulot ng kahirapan at kawalan ng mga magulang kaya napipilitang magtrabaho ang mga nasa murang edad lamang matustusan lang ang kanilang pang araw-araw.

Alinsunod rin ito sa Republic Act No. 9231, na may layon na matuldukan ang sapilitang paggawa ng mahigit isang milyong bata sa bansa.

Bukod sa programa, katuwang rin sa pagsulong nito ang Philippine Program Against Child Labor para sa pagbibigay ng proteksyon, edukasyon, at iba pang pangangailangan ng mga kabataan naghahanapbuhay.

Nagsagawa na rin ng oryentasyon ang lokal na pamahalaan ukol sa naturang usapin kung saan dinaluhan ito ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Child sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments