Proklamasyon sa mga nanalong senador sa Miyerkules at party-list groups sa Huwebes, plantsado na

76

Kasado na sa Miyerkules, May 18, dakong alas-4 ng hapon ang proklamasyon sa 12 mga nanalong senador.

Ayon kay Commission on Election (COMELEC) Spokesman Atty. Rex Laudiangco, bukod sa nanalong senador, maaari siyang magsama ng 5, kabilang na rito ang kanyang documentation officers.

Nilinaw rin ng COMELEC na sa gaganaping proklamasyon sa mga senador, walang iaanunsyong ranking dahil may mga special elections pang gagawin.


Gayunman, hindi na aniya ito makaka-apekto sa ranking ng top 12

Nilinaw rin ng poll body na hihingian nila ng vaccination card ang mga ipoproklamang senador at ang kanilang mga kasama sa seremonya.

Facebook Comments