Promosyon ng mga bagong promote na heneral, pinangunahan ni Pangulong Duterte sa palasyo

181

Manila, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panunumpa ng mga bagong heneral at mga bagong promote na heneral ng Philippine National Police sa Palasyo ng Malacañang kanina.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na naghahanap siya ng pondo ngayon para sa plano niyang pagdaragdag ng 5-7 batalyon ng PNP Special Action Force para bigyang solusyon ang ilang problema ng bansa sa krimenalidad lalo na ang paglaban sa iligal na droga.

Sinabi din ni Pangulong Duterte na kailangan niya ang 20 libong sundalo para labanan ang lumalaking problema sa terorismo hindi lamang sa bansa kundi sa buong rehiyon.


Sinabi din ni Pangulong Duterte na nakarating sa kanya ang impormasyong gustong makipag-usap sa kanyan ni Iloilo City Mayor Jed Mabilog, pinasilip din aniya niya sa NBI ang bahay nito sa Iloilo kung saan positibo aniyang mansion ang tinitirhan nito.

Ipinagtanggol din naman ni Pangulong Duterte si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at sinabing matagal na niya itong kilala kahit pa noong siya ay Mayor ng Davao City.

Muli din namang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Atty. Manases Carpio ang kanyang manugang sa mga banat ni Senador Trillanes kung saan sinabi nito na ginagampanan lang nito ang kanyang trabaho bilang isang abogado.



Facebook Comments