
Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang pag-apruba sa promosyon ng 5,335 na mga guro.
Ito ay para sa reclassification ng mga guro sa ilalim ng Expanded Career Progression (ECP) System.
Sa ngayon, hinihintay rin ng DepEd ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa promosyon ng Head Teachers (HTs), Assistant School Principals (ASPs), at Teachers-in-Charge (TICs) na bahagi ng reclassification sa mga posisyon ng School Principal.
Target ng DepEd na mag-promote ng mahigit 100,000 guro sa pampublikong paaralan sa buong bansa ngayong taon.
Ito ay may kabuuan namang alokasyon ₱6.1 bilyong para sa FY 2026.
Facebook Comments










