Proposed 2021 budget ng OVP, agad inaprubahan ng Senate Finance Committee

46

Sa loob ng 21 minuto ay agad inaprubahan ng Senate Finance Committee na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara ang hiling na P723.39 million ng Office of the Vice President na budget para sa susunod na taon.

Humarap si Vice President Leni Robredo sa budget hearing sa pamamagitan ng video conference.

Sa inaprubahang proposed OVP budget ay isinama ng Senado ang halos P45 million na tinapyas ng Department of Budget and Management.

Bahagi nito ay ang P11 million na ipambibili ng 6 na sasakyan na gagamitin sa relief operations nito dahil ayon kay Robredo, sira, nasa garahe na lang at hindi na magamit ang lahat ng sasakyan sa kaniyang tanggapan.

Sakop din ng nabangit na salapi ang pantustos ng OVP para sa research and development.

Facebook Comments