
Nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap ang 11 mga kongresista na bahagi ng prosecution team para sa paglilitis sa impeachment laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
Ayon sa isa sa mga prosecutors na si Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor, bahagi ito ng kanilang preparasyon kung saan kanilang tinalakay kung paano ilalatag ang mga ebidensya laban sa bise presidente.
Pag-aaralan din nila kung ano ang posibleng magiging sagot ng depensa o mga abogado ni VP Sara.
Para kay Defensor, magandang pagkakataon o venue ang impeachment trial para sagutin ni VP Sara ang seryoso, mabibigat at hindi birong mga alegasyon umano’y mga paglabag niya sa konstitusyon.
Facebook Comments