Proseso ng pag-kansela sa Visiting Forces Agreement sa Amerika, inaaral na ng DOJ

39

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinag-aaralan na ng DOJ ang tamang proseso sakaling ituloy ng Pangulong Duterte ang pagbasura sa Visiting Forces Agreement sa Amerika.

Sinabi ni Secretary Guevarra, na target nilang tapusin o kumpletuhin ang pag-aaral ngayong araw.


Una na kasing nagbanta ang Pangulo sa Amerika na ipapawalang bisa nito ang VFA kasunod ng pagkansela ng Estados Unidos sa US Visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Nagbigay pa ang Pangulo ng isang buwang palugit sa US government para bawiin ang kanselasyon nito sa visa ni Dela Rosa.

Facebook Comments