PROTECTIVE GEARS LAAN PARA SA MGA TRAFFIC ENFORCERS SA MANGALDAN, NAKATAKDANG IPAMAHAGI

Bukod sa maayos na daloy ng trapiko, prayoridad din ngayon sa Mangaldan ang mga kagamitan ng mga traffic enforcers bilang pagtiyak ng kanilang kaligtasan sa gitna ng kalsada.
Sa utos ng alkalde, magbibigay ang lokal na pamahalaan ng mga kapote at bota sa mga miyembro ng the Municipal Traffic and Regulatory Group (MTRG) bilang patuloy na serbisyo publiko kahit pa sa maulan na panahon.
Kinakailangan din ng mga kagamitang panangga ng mga traffic enforcers na nagmamando sa gitna ng daanan.
Dapat rin umano na mabigyan proteksyon ang mga traffic enforcers na ginagampanan ang tungkulin para lamang makapagbigay ng maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaligtasan sa mga kakalsadahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments