Mas pinalalakas ng lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union ang kakayahan ng kabataan na mailigtas ang sarili at kapwa sa murang edad.
Sa pagdiriwang ng National Safe Kids Week 2025, sumailalim sa pagsasanay na tumatalakay sa Adolescent Reproductive Health, Pag-iwas sa Teenage Pregnancy, Mental Health Awareness at Basic First Aid.
Layunin na maiangat ang kamalayan ng kabataan upang maging kaagapay sa pagsusulong ng kaligtasan sa mga pamayanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments