PROTEKSYON SA BAHA, HANDOG NG MALLIG RIVER FLOOD CONTROL

CAUAYAN CITY – Mas ligtas na ngayon ang mga komunidad sa Roxas, Isabela, matapos makumpleto ng Department of Public Works and Highways – Isabela 2nd District Engineering Office (DPWH-ISDEO) ang Mallig River flood control project.

Ang 737.5 metrong istruktura ay itinayo upang pigilan ang pagbaha at pagguho ng lupa na matagal nang problema sa lugar.

Ayon kay District Engineer Jose B. Tobias, layunin ng proyekto na protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka at ang kaligtasan ng mga residente, lalo na tuwing panahon ng bagyo.

Nagkakahalaga ng ₱96.4 milyon, ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng 2024 Regular Infrastructure Program ng DPWH at natapos noong Pebrero 10, 2025. Inaasahang magbibigay ito ng pangmatagalang proteksyon sa bayan ng Roxas laban sa sakuna.

Facebook Comments