PROTEKSYON SA MGA KABATAAN | Pagpasok ng mga child sex offenders sa bansa, ipagbabawal

47

Manila, Philippines – Ipagbabawal na ang pagpasok sa bansa ng mga child sex offenders. Kaugnay dito, sinimulan ng talakayin ng House Committee on Welfare of Children na pinamumunuan ni Zamboanga del Sur Rep. Divina Grace Yu ang House Bill 6257 o pag-ban ng pagpasok ng mga child-sex offenders sa bansa. Layunin ng panukala na protektahan ang mga kabataan laban sa mga pang-aabuso at magkaroon ng gatekeeping upang hindi makapasok o makalabas sa bansa ang mga child sex offenders. Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng database at impormasyon ng mga consulates, embassies, at foreign affairs divisions upang matukoy ang crime records ng mga indibidwal na sangkot sa pangaabuso sa mga kabataan. Sa ganitong paraan ay makakatulong para mahuli at mapanagot ang mga nasa likod ng mga krimen ng child molestation, rape, at iba pang pang-aabuso. Ipagbabawal ang pag-iisyu ng passport at visa documents at pagpasok o paglabas sa bansa ng mga child sex offenders, ito man ay sumasailalim sa imbestigasyon

Facebook Comments