PROTESTA! | Pagbisita ni US President Donald Trump sa Pittsburgh, sinalubong ng protesta

14

Sinalubong ng protesta ang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pittsburgh.

Kasama ng US President si Israel Ambassador to US Ron Dermer, Tree of Life Synagogue Rabbi Jeffery Myers, anak nitong si Ivanka at manugang si Jared Kushner at First Lady Melania.

Nag-alay ng dasal si Trump sa mga labing isang namatay sa pamamaril.

Hindi naman nakalapit na ang mga protesters sa tree of life synagogue.

Magugunitang sumulat ang grupo ng mga Jewish leaders sa Pittsburgh kay Trump at sinabing dapat siya ang sisihin sa pamamaril dahil sa patuloy nitong pambabatikos sa mga immigrants sa kalaban sa pulitika.

Facebook Comments