PROTESTA SA MALUWAG NA GUN LAWS | ‘March for our Lives’ isinagawa sa Estados Unidos

Estados Unidos – Natipon-tipon ang libu-libong tao para kumbinsihin ang gobyerno na higpitan ang batas ukol sa paghahawak at paggamit ng armas.

Isinagawa ang ‘March For Our Lives’ rally sa iba’t-ibang panig ng Amerika na pinangunahan ng mga nakaligtas sa nangyaring school shooting sa Florida na ikinamatay ng 17 tao.

Layunin ng protesta na kalampagin ang US Congress na siyang dahilan ng maluwag na panuntunan sa pagbebenta ng firearms.


Lubos silang nababahala sa tumataas na bilang ng mga mass shootings sa mga eskwelahan.

Una nang pinuri ng White House ang naturang hakbang ng kanilang mga mamamayan.

Facebook Comments