Provincial bus routes mula Davao papasok ng Metro Manila, binuksan na ng LTFRB

111

Nagbukas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang ruta para sa provincial buses mula Pampanga at Davao patungong Metro Manila.

Nakasaad sa Memorandum Circular 2020-051 ang desisyon ay dumaan sa masusing pag-aaral ng ahensya at sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga lokal na pamahalaan.

Alinsunod naman ito sa kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na magbukas ng mas maraming ruta ng nga pampublikong sasakyan.

Kabilang sa binuksang provincial bus routes ay ang mga sumusunod:

1. Dau, Mabalacat, Pampanga – Araneta Center, Cubao
2. Davao City, Davao Del Sur – Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna

Mayroong pang limang units para sa ruta ng Dau, Mabalacat, Pampanga papuntang Araneta Center, Cubao, samantalang 14 units naman ang pinayagan para sa ruta ng Davao City, Davao Del Sur hanggang Sta. Rosa Integrated Terminal, Laguna.

Asahan na magbubukas pa ang LTFRB ng mga bagong ruta ng PUV sa mga susunod na araw.




Mananatili naman ang mahigpit na pagpapatupad ng 7 Commandments para sa mga pasahero, drayber, operator at konduktor para sa health and safety measures kontra COVID-19.

Facebook Comments