PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN, HINILING SA NATIONAL IATF NA GAWING PRAYORIDAD ANG LALAWIGAN SA VACCINE DISTRIBUTION

LINGAYEN, PANGASINAN – Hiniling ng Provincial Government ng Pangasinan sa National IATF na gawing prayoridad ang lalawigan sa vaccine distribution sa Region 1.

Sa isinagawang pagpupulong online ng National IATF kasama ang NVOC kung saan dinaluhan ng iba’t-ibang local chief executives mula sa bayan, siyudad at probinsiya.

Ilan sa mga napag-usapan dito ay ang vaccination roll out sa buong bansa at ang mga target areas para sa parating pang mga bakuna.


Bagamat bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan, hiniling ng provincial government na manatiling gawing prayoridad ang lalawigan sa distribusyon ng bakuna.

Ito ay sa kadahilanang sakop ng lalawigan ang malaking populasyon ng rehiyon.###

Facebook Comments