Kapag Parehas ang Pagod dapat parehas ang sahod …
‘Yan ang matapang na pahayag ni incoming Kamanggagawa Representative Eli San Fernando sa panayam nito sa IFM News Dagupan.
Matapos mabigyan ng pagkakataon na mairepresenta ang mga manggagawa sa mababang kapulungan, layon ng naturang partylist na mabuwag na ang provincial rate at ma-i-pantay na sa buong bansa ang minimum wage.
Aniya, mas mahal ang bilihin sa probinsya dahil sa dagdag transportation cost kaya’t hindi makatarungan na sa mga lugar na may mababang sahod pa ito napupunta.
Bagamat mahirap umano ang magiging laban dito, pero gagawin nito ang lahat para maipasa ito.
Samantala, ikinatuwa naman nito ang pagpasa ng 200 Pesos wage increase sa kongreso. Ngunit, hinamon at ipinanawagan nito sa Senado at kay Presidente Bongbong Marcos na agaran na itong mapirmahan.
Sa Rehiyon Uno, pumapatak sa 468 pesos ang minimum wage ng mga manggagawa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣