Nagbabala ang Provincial Tourism Office ng La Union sa publiko kaugnay ng ilang ulat ng scamming scheme sa ilang resort sa lalawigan na nag-aalok ng paunang transaksyon o bayad kapalit ng accommodation.
Base sa ilang posts, nagpapanggap na tauhan ng resort ang ilang scammer at nagpapadala ng mga litrato ng pasilidad, room rates, banking details maging dokumento na nagsasaad ng accreditation sa Department of Tourism upang magmistulang lehitimo ang transaksyon.
Ayon sa tanggapan, mahalagang mag-book lamang ng reservation sa mga opisyal na website o page ng napiling establisyimento at direktang makipag-ugnayan sa Provincial Tourism Office para sa beripikasyon ng transaksyon.
Kaugnay nito, hinikayat ng tanggapan ang aktibong ugnayan sa awtoridad upang agad mai-report ang anumang hindi kanais-nais na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣