
Ipinasisiyasat ni Senator Risa Hontiveros ang provisional understanding ng Pilipinas at China tungkol sa resupply missions sa Ayungin Shoal.
Inihain ni Hontiveros ang Senate Resolution 589 kung saan tinukoy ang mga insidente na nagdudulot ng duda sa effectivity ng kasunduan.
Kabilang na rito ang insidente noong June 17, 2024 kung saan naputulan ng isang daliri ang isang tauhan ng Philippine Navy matapos banggain ng Chinese Coast Guard ang kanilang bangka.
Dagdag pa ang insidente noong March 2026 kung saan ginamitan ng Chinese Navy vessel ng fire control radar ang BRP Miguel Malvar sa may Escoda Shoal at isa pang insidente noong March 25, 2026 kung saan nakaiwas ang BRP Benguet ng Philippine Navy mula sa missile frigate ng China.
Nagtataka ang senadora na kung ang mga kasunduan ay ginawa para sa pag-iwas ng gulo at sa proteksyon ng mga naghahatid ng suplay sa nakatalaga sa Ayungin Shoal ay bakit patuloy na sinasaktan ng China ang mga sundalo ng Pilipinas.










