Hindi lang pera ang maaaring makuha sa basura, maaari rin itong maging gamit sa pag-aaral.
Sa Barangay Longos sa bayan ng Calasiao, inilunsad ang proyektong Palit-Aral 2026 kung saan hinihikayat ang mga bata at magulang na magdala ng kanilang naipong recyclable materials tulad ng bakal, lata, papel at bote sa tanggapan ng barangay upang ipagpalit sa school supplies.
Sa ilalim ng programa, may katumbas na puntos ang bawat kilo ng recyclable materials na kanilang dadalhin.
Ang dami ng school supplies na matatanggap ng mga magbibigay ay nakabatay sa kabuuang puntos mula sa mga naipong basura.
Ang inisyatibong ito ay hindi lamang makatutulong sa kalikasan na makabawas ng basura kundi malaking tulong rin para sa mga mga magulang na makatipid para sa mga pangangailangan ng kanilang mga anak sa eskwela.
Isa itong paraan upang mahikayat ang kanilang mga ka-barangay na sa tamang segregasyon ng basura, mayroon kang magandang mapapala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








