PRRD  at bagong Chinese Ambassador, pormal nang nagharap

70

Nakapulong na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Chinese Ambassador to the Philippines na si Huang Xilian.


Nagtungo sa malacañang si huang para ipakita kay Pangulong Duterte ang kanyang Credentials.

Ayon kay Pangulong Duterte, mayroong malalim na pagkakaibigan ang Pilipinas at China.

Umaasa ang Pangulo na magiging ‘productive’ ang pananatili ni Huang sa bansa.

Para kay Huang, gagampanan niyang mabuti ang kanyang tungkulin upang maisulong ang Bilateral Relations.

Hiling niya ang kaunlaran para sa Pilipinas at magandang kalusugan para sa Pangulo.

Maliban sa china, nakapulong na rin ng Pangulo ang mga bagong envoy ng Denmark, sri Lanka, Greece, Myanmar, at South Africa.




Facebook Comments