PRRD at pamilya nito, ligtas matapos tumama ang lindol sa Davao Del Sur

Tiniyak ng MalacaƱang na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng Magnitude 6.9 na Lindol na tumama sa Davao Del Sur kahapon.

Nabatid na Intensity 5 ang naramdamang pagyanig sa Davao City, ang hometown ng Pangulo.

Ayon sa Palasyo, nasa bahay ang Pangulo kasama ang kanyang anak na si Kitty nang mangyari ang Lindol.


Sinabi naman ni Presidential Security Group (PSG) Commander, Brig/Gen. Jose Niembra, bumalik agad sa tulog ang Pangulo matapos ang Lindol.

Agad naman nilang sinuri ang Structural Integrity ng bahay ng Pangulo.

Nasa sasakyan naman pauwi ang Common Law Wife ng Pangulo na si Honeylet AvanceƱaĀ  nang tumama ang Lindol at hindi naman siya nasaktan.

Nanawagan ang Palasyo sa lahat na manatiling kalmado at maging alerto sa mga posibleng aftershocks.

Facebook Comments