PRRD, bukas sa suhestyon ng China na joint maritime investigation

26

Bukas umano si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint investigation sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa Recto Bank incident.

Ayon ay Presidential spokesman Salvador Panelo – bukas din ang Pangulo sa early resolution sa kaso.


Sa ngayon aniya, hihintayin ng palasyo ang formal communication mula sa Chinese Embassy ukol sa hirit na joint probe ng Beijing.

Ayon sa embahada, iminungkahi ng kanilang hanay na magkaroon ng joint investigation ang dalawang bansa para magkapalitan ng initial findings at maayos na mahawakan ang sitwasyon sa pamamagitan ng friendly consultations.

Nauna nang nagpahayag ang China ng kahandaang makipagtulungan sa imbestigasyon.

Facebook Comments

From Advertisers