PRRD, dismayado sa naglalabasang senatorial survey

1033

Dismayado si Pangulog Rodrigo Duterte sa mga naglalabasang survey hinggil sa mga nangungunang kandidato sa pagka-senador.

Hindi makapaniwala ang Pangulo na hindi pasok sa sinasabing magic 12 ang kaniyang dating political adviser na si Francis Tolentino, dating aide na si Bong Go at dating PNP chief na si Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Duterte, nararapat lang daw na maupo sa Senado ang tatlo dahil itininuturing niya ang mga ito bilang “extraordinary” at mapagkakatiwalan ng bawat Pilipino.

Iginiit pa ng Pangulo na kailangan talaga ng bansa ang tatlo lalo na at hindi sila nagre-reklamo pagdating sa trabaho.

Bukod dito, wala ng iba pang personalidad na nais i-endorso ng Pangulong Duterte dahil para sa kaniya, sapat na ang tatlo para magkaroon ng pwesto sa Senado.

Facebook Comments