PRRD, duda sa ill-gotten wealth accusations kay dating Pangulong Marcos

590

Manila, Philippines – Duda si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa ipinupukol na ill-gotten wealth accusations laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nabatid na umabot ‘di umano sa $10 billion ang nilimas ng dating pangulo mula sa kaban ng bayan sa ilalim ng kanyang dalawang dekadang panunungkulan.

Ayon kay Pangulong Duterte – hanggang sa ngayon ay hindi naman napatunayan ang mga akusasyon laban kay dating Pangulong Marcos.

Kasabay nito, muli ring idinipensa ng Pangulo ang kanyang pagpayag na ipalibing sa Libingan ng mga Bayani ang napayapang pangulo.

Samantala, ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ay nakapagrekober na ng higit ₱171 billion na halaga ng ill-gotten wealth mula sa mga Marcos at sa mga katoto nito.

Facebook Comments