PRRD, handang ipa-raffle ang kanyang slot sa Libingan ng mga Bayani

84

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipamigay o ipa-raffle pa ang kanyang slot sa Libingan ng mga Bayani.

Sa ginanap na 1st National Assembly of the Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, sinabi ng Pangulo na kapag namatay siya ay hindi naman siya maaalala at ayaw niya ring maalala siya.

Bilin ng Pangulo sa kanyang pamilya na i-cremate ang kanyang labi sa loob ng 24-oras at ipakalat ito.

Minaliit din ng Pangulong Duterte ang kanyang mga kritikong nagsabing magtatagal lamang ng tatlong taon ang kanyang termino.

Facebook Comments