PRRD, hiling na magkaroon ng motorsiklo ngayong pasko

239

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng motorsiklo bilang regalo ngayong pasko.

Ito ay sa kabila ng mga natamo niyang aksidente dahil sa paggamit nito.


Ayon sa Pangulo, anumang regalo ay tatanggapin naman niya pero  ang wish niya ang magkaroon ng motorsiklo.

Iginiit pa ng Pangulo na patuloy ang pagdarasal niya para sa bayan.

Matatandaang inamin ng Pangulo na iniinda niya ang migrane mula sa isang spinal injury matapos maaksidente sa motorsiklo noong dekada ’60.

Nitong Oktubre, napilitan ang Pangulo na putulin ang Official Visit nito sa Japan dahil sa iniindang sakit sa likod matapos mahulog sa motorsiklo sa Malacañang Compound.

Facebook Comments

From Advertisers