PRRD, hinarana si Mayor Inday at dating asawang si Elizabeth Zimmerman

205

Hinarana ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating asawang si Elizabeth Zimmerman.

Sa pagdalo ng Pangulo sa thanksgiving party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) kagabi, hinandugan ni Pangulong Duterte ang anak ng awiting “Wind Beneath my Wings” kung saan sinamahan siya ni Inday Sara sa entablado.


Inalay naman ni Pangulong Duterte ang kantang “Ikaw” para kay Zimmerman.

Pagkatapos ng kanyang number, sinabi ni Pangulo sa dating asawa na mahal pa niya ito.

Tinapos ng Pangulo ang kanyang mini concert sa pamamagitan ng kantang “MacArthur Park.”

Ipinamalas naman ni Mayor Inday ang pagkanta sa “Bed of Roses” ni Bon Jovi.

Nagpasalamat naman si Mayor Sara sa pagsuporta sa mga 13 senador na pambato ng HNP.

Matatandaang siyam hanggang 13senate bets ng HNP ang nanalo nitong May 13 midterm elections.

Samantala, dumalo rin sa event ang mga naglalaban-laban sa pagka-speaker ng Kamara na sina Leyte Representative Martin Romualdez at Marinduque Representative Lord Alan Velasco at Taguig Representative Alan Peter Cayetano.

Facebook Comments

From Advertisers