PRRD, hindi interesado sa gagawing pagdinig ng senado ukol sa prangkisa ng ABS-CBN

931

Malabong i-monitor ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawing pagdinig ng Senado hinggil sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maraming trabahong kailangang gawin ang Pangulo sa lunes.


Aniya, hindi interesado ang Pangulo.

Muli namang iginiit ni Panelo na walang kinalaman ang pangulo sa inihaing Quo Warranto petition na aniya ay trabaho ng Solicitor General.

Hindi rin aniya manghihimasok ang palasyo sa Senado.

Facebook Comments