PRRD, hindi nakadalo sa Rizal Day rites sa Davao

33

Hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Rizal Day rites sa Davao City, Linggo ng hapon.

Nakatakda sanang pangunahan ni Duterte ang flag raising at wreath-laying ceremony sa ika-122 taong anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal sa Davao.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinayuhan ang Pangulo ng kaniyang doktor na magpahinga at ipagpaliban muna ang seremonya bunsod ng sunud-sunod na trabaho at iskedyul kasama na ang mga out of town trip.

Dahil dito, humalili sa nakatatandang Duterte ang kaniyang anak at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Facebook Comments

From Advertisers