PRRD, hindi natatakot kay VP Robredo

31

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na bigo si Vice President Leni Robredo na gampanan ang kanyang trabaho nang italaga niya ito na pangunahan ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ayon sa Pangulo, sa halip na resolbahin ang drug problem, mas inuuna ni Robredo ang dakdak.


Giit pa ng Pangulo, hindi siya natatakot kay Robredo.

Muli ring inihayag ng Pangulo ang pagkadismaya kay Robredo matapos konsultahin ang mga dayuhang kritikal sa kanyang drug war kaysa sa mga Local Authorities na nakatutok sa Drug Enforcement at Rehabilitation Efforts.

Matatandaang sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo bilang Co-Chairperson ng inter-agency committee on Anti-Illegal Drugs.

Facebook Comments

From Advertisers