PRRD, ikinagalit ang insidente sa Recto Bank

133

Ikinagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang hit and run ng Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi lang pangbu-bully ang ginawa ng Chinese crew kundi isang barbaric action.


Bagaman naghain naman na ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) sabi ni Panelo ayaw na munang magkomento ng Malacañang kung nararapat na iakyat sa United Nations ang usapin sa Recto Bank.

Mas makabubuti rin aniyang hintayin muna ang magiging tugon ng China sa diplomatic protest na inihain ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.

Dagdag pa ni Panelo, nasa pagpapasya na rin ni Pangulong Duterte kung makikipag-usap ito kay Chinese President Xi Jingping hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers