PRRD, ikinumpisal na may hinalay siyang kasambahay

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ginawa siyang kahalayan noon siya ay binata pa.

Ayon sa Pangulo – ikinumpisal niya sa isang pari na pumasok siya sa isang kwarto ng isang kasambahay para subukang hawakan ang maselang bahagi ng katawan nito.

Dagdag pa ng Pangulo – pagkagaling ng banyo ay bumalik pa siya ng kwarto at dito na nangyari ang kahalayan.


Bago aniya matapos ang kanyang kumpisal, sinabihan siya ng pari na magdasal ng limang ‘Ama Namin’ at limang ‘Aba Ginoong Maria’ bilang penitensya.

Facebook Comments