PRRD, inalok ang Davao City sa mga residenteng gustong lumipat mula sa pag-aalburuto ng Bulkang Taal

1014

Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang hometown na Davao City para sa mga residenteng naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.


Hinimok ng Pangulo ang mga biktima ng kalamidad na lumipat sa kanyang home province kung magpapatuloy pa rin ang aktibidad ng bulkan.

Pero sinabi rin ng Pangulo sa mga residenteng gustong lumipat sa Davao na mayroong bulkan pa rin ang sasalubong sa kanila doon at ito ay ang natutulog na Mount Apo.

Maliban dito, binanggit din ng Pangulo na biniyayaan ang Davao ng mayabong lupa at maayos na klima na nakakatulong sa agricultural production.

Sa kabila nito, tiniyak ng pangulo sa mga apektadong residente na hindi hihinto ang gobyerno sa pagtulong.

Facebook Comments