PRRD, ipinag-utos sa militar na pulbusin ang “Enemies of State”

852

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang militar na gamitin ang mga bagong armas para pulbusin ang mga kalaban ng Estado.


Ito ang direktiba ng Pangulo matapos ipamahagi ang mga bagong ammunition sa Philippine Marine Corps sa Taguig City kahapon.

Kabilang na rito ang Glock Pistols, Rock Island Caliber .45 Pistols, .50 Caliber Sniper Rifles, at Hand-Held Radios at Repeater Systems.

Payo pa ng Pangulo sa mga sundalo, sakaling makorner ng kalaban ay magpakamatay na lamang ang mga ito kaysa sa sumuko.

Aminado ang Pangulo, na mas gusto niyang patayin ang mga kalaban sa halip na hulihin ng buhay.

Aniya, malaki ang ginagastos ng gobyerno para sa pagkain at tulugan ng mga bilanggo.

Sa kabila nito, ipinaalala ng Pangulo sa mga sundalo na huwag barilin ang mga kalaban kung sumusuko na ang mga ito sa kanila.




Facebook Comments