PRRD, ipinag-utos sa pulisya na patayin ang “Serial Rapist” sa Quezon Province

4646

Pinatutugis na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulisya ang sinasabing “Serial Rapist” na nasa likod ng mga insidente ng panggagahasa sa Quezon Province.

Ito ang utos ng Pangulo matapos maalarma sa mga kaso ng rape kung saan biktima ang mga bata sa lalawigan.


Ayon sa Pangulo, inatas niya ang pulis na patayin ang “Serial Rapist.”

Hiniling din ng Pangulo sa Regional Police Officials na iprisenta ang kanilang mga security measures para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Matatandaang naaresto ang suspek sa likod ng paggahasa at pagpatay sa isang walong taong gulang na batang babae sa Candelaria, Quezon.

Facebook Comments
From Advertisers