PRRD, ipinatanggal ang bullet-proof glass panel sa kanyang talumpati sa GenSan

259
Photo Courtesy: PCOO

Tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na magtalumpati sa likod ng bullet-proof glass panel.

Kasabay ng land distribution sa mga agrarian reform beneficiaries sa General Santos City, ipinag-utos ng Pangulo sa Presidential Security Group (PSG) na alisin ang bullet-proof glass.


Photo Courtesy: PCOO

Agad namang sinunod ng mga tauhan ng PSG ang direktiba ng Pangulo.

Matatandaang ang bullet-proof glass panel ay unang ginamit sa PDP-Laban campaign rally sa Malabon City noong April 2.

Facebook Comments

From Advertisers