PRRD, itinalaga na ang bagong Chief Justice ng SC

Kinumpirma ng Korte Suprema ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Associate Justice Diosdado Madarang Peralta bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema kapalit ng nagretirong si Chief Justice Lucas Bersamin.

Natanggap na rin ng Supreme Court ang transmital letter ng appointment ni CJ Peralta bilang ika-26 na Punong Mahistrado.

Si Peralta ay dalawa at kalahating dekada na sa judicial service.


Siya ay nagsilbi ring Chairperson ng Supreme Court Third Division.

Magreretiro si CJ Peralta sa pwesto sa March 27, 2022.

Sa ngayon, si Senior Associate Justice Antonio Carpio ang acting Chief Justice pero siya ay magreretiro na sa darating na Sabado.

Facebook Comments