PRRD, magiging masunuring pasyente – Malacañang 

Siniguro ng Palasyo na magiging isang masunuring pasyente si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang doktor.

Ang garantiya ay ginawa ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo sa harap ng gagawing pagpapagamot ni Pangulong Duterte ng kanyang gulugod  ngayong araw.

Sinabi ni Panelo na mas nalalaman ng mga manggagamot kung ano ang makabubuti sa Chief Executive at tiyak aniyang susundin ng Pangulo ang ipapayo ng doktor sa kanya.


Kinikilala aniya ng Punong Ehekutibo ang expertise ng mga doktor gayong ito ang mas nakakaalam kung ano ang makabubuting gawin para sa kanyang kasalukuyang kondisyon.

Sa harap nito’y inihayag ng tagapagsalita na walang dapat na ipag-alala ang taong bayan sa kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments