PRRD, may mga sisibaking gov’t official bago pumunta sa China

Maraming government officials pa ang sisibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya magtungo ng China ngayong buwan para dumalo sa ikalawang Belt and Road Forum.

Sa kanyang talumpati sa PDP-Laban Campaign Rally sa Bacolod City kagabi, muling inulit ng Pangulo ang kanyang anunsyo na may mga sisipaing mga opisyal paalis sa kanilang pwesto dahil sa pagkakasangkot sa korapsyon.

Hindi na nagbigay pa ng Detalye ang pangulo kung sinu-sino ang mga ito.


Ang Pangulo ay nasa Beijing mula April 26 hanggang 27.

Facebook Comments